JellyPages.com

Saturday, December 7, 2013

GOODMORNING DODONG

Goodmorning!? Grabe di ko alam ang sasabihin ko dito sa blog na ito. Pero sige sasabihin ko na ang dapat sabihin. Ayaw maniwala ng nanay ko na kasama sa requirements ng assignment ang matulog ng matagal. Pero salamat kay Ma’am Krupskaya dahil ngayon nalang ulit ako nakatulog ng matagal, ngayon nalang ulit nagwaterfalls ang laway ko, ngayon nalang ulit nagkaron ng mga marka ng baon baon at nagmukha ng chessboard ang balat ko sa di ko maipaliwanag na kadahilanan at ngayon nalang ulit ako naging chinito pagkagising.

 Magflashback tayo kagabi kung saan dumaan ako sa mga pagsubok ng aking buhay bago matulog. Galing ako sa paglalaro ng basketball kagabi kaya pagod na pagod ako pagdating sa bahay. Oo, nagbasketball ako kagabi sa kapitbahay namin kahit di na namin makita masyado ang bola dahil kulay itim ito. Ang dali ko mapagod dahil kulang na ako sa ehersisyo at idagdag mo pa ang tiyan kong 100% pure cholesterol na sobrang bigat dalhin at di na ako makayuko. So pagkauwi ko ng bahay ay wala akong nadatnang pagkain. Walang nagluto! Motherfather!!! Pagkacheck ko ng ref eh walang laman at pagtingin ko ng kaldero ng kanin ay nasa hugasan na ito. So ang natitirang pag asa ay ang oatmeal na walang lasa at mabango lang pag niluto. Kadalasan kasi pag nagluluto ako ng oatmeal ay yung pangmahirap version lang. Asukal na segunda lang ang ilagay mo eh rak na. Wala kasing gatas sa bahay, walang pambili. HAHAHA! Kaya ayun pinili ko na lang matulog kagabi. Matutulog na ako kagabi habang nakapang Coco Martin (brief lang) at kasalukuyang may ginaganap na Rap Battle sa covered court ng barangay namin. Di ako makatulog dahil sa ingay ng mga punyetang nagrarap na mga wangsta at yes yes yow sa court. Sobrang lakas ng tugtog at di ako nakatulog agad. Allergic talaga ko sa mga hiphop songs kasi mas gusto ko ang mga rock at pangmaton na tugtugin.  Akala ko naman eh tapos na ang mga paghihirap ko bago makatulog, pagkahiga ko ay naalala kong may sipon pa din ako. Kailangan ko tuloy pumusisyong ng maganda para makahinga ng mabuti, pag nakatulog kasi ako na di maganda ang posisyon ko ay mahihirapan ako huminga at asahan mo na ang umuugong kong paghilik. So ang ginawa ko eh medyo tinaasan ko ang unan ko para makahinga at sa wakas, maya maya pa ay nakatulog na ako.

 Pagkagising ko ngayon ay sa wakas makakalasap nadin ako ng ginhawa. Makakakain nako. Pinapabili ako ng nanay ko ng pandesal para sa almusal. Ayoko pang bumili ng almusal dahil naka tikas pahinga pa ang alaga ko. Ito ang kadalasang sakit ng mga lalaki kapag umaga. Pagpunta nga sa CR eh para kaming sniper dahil sa sobrang layo namin sa inidoro kapag iihi. Kelangan mo pa tanchahin ang projectile ng ihi mo para shumoot sa inidoro yung ihi dahil sa sobrang lakas. Hahaha! So mamaya maya ay bibili na ko. Bye. Salamat sa pagbabasa. Hahahaha! Mwa mwa tsup tsup.

14 comments:

  1. !@#$%^%$#@! ka Jeremey! Tawa ko ng tawa. BWAHAHAHA da best to. Must read. Number 1, number 1!

    ReplyDelete
  2. ikaw na Jeremy! The Best Blog of BBRC 3-2! Woooooooooooh !!! =D

    ReplyDelete
  3. AHAHAHAHAHA. Grabe ka jem! hahahaha

    ReplyDelete
  4. Gusto mo bang lagi akong magpa-assignment ng ganito para laging mahaba ang tulog mo? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sge po ma'am, inaabangan ko po na iparequirements niyo din na magsulat ng blog after gumala buong araw. HAHAHAHA joke.

      Delete
  5. JEREMY NEVER FAILS TO MAKE US LAUGH. (dugo ilong)

    ReplyDelete
  6. haha. grabe. crush tlaga kita Jem pag dating sa mga ganto!! :D

    ReplyDelete
  7. ang sakit ng tyan ko tae ka!! ramdam ko yang pagiging sniper!!!! nararanasan ko din yan ee!!! ahahah da best ka talaga!!!

    ReplyDelete
  8. Normal na normal lang oh. Labyu jem!

    ReplyDelete
  9. Salamat sa lahat ng nagbasa at nakaappreciate. HAHAHA! Wala ko maisip na matino nung umaga eh kaya yan na nasulat ko. :)

    ReplyDelete
  10. Jeremy!!!! Hahahahahahahahahahaha Jeremy!! Sheeeeeeeeeeeeeeeeeet! Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha Jeremy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  11. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Bentang benta sa 'kin yung last part. :D

    ReplyDelete
  12. The best pala talaga to! Hahahaha galing mo jeremy! :)

    ReplyDelete