Ngayong gabi, 30 minutes na lang ang natitirang oras ko sa pagtatype para ma-meet ang deadline para sa pagkrikritiko ng isang teorya para sa aking blog. Galing pa kasi ako sa isang liblib na lugar sa Tarlac, kung saan probinsyang probinsya pa din ang dating dahil sa mga napakadaming palayan at talamak na pagtae ng kalabaw sa daan.
Deeeeeym. Napakashitty pa ng connection at di ko alam ang hiwaga ng blogspot at kung bakit napakatagal nitong magloading. Wala akong ibang maisip kundi ang kaisa-isang teorya na aking naisip. Hahaha! Ang Balance Theory. Ito ang isang teoryang kadalasang naaapply sa aking pang araw-araw na buhay. Ano nga ba ang teoryang ito?
Balance theory states that when tensions arise between or inside people, they attempt to reduce these tensions through self-persuasion or trying to persuade others. (Fritz Heider and Theodore Newcomb, 1946)
Sa madaling salita, kailangan mong makisama sa isang tao kung ayaw mo sa ginagawa nito dahil pinapahalagahan niyo ang relasyon niyo. Gagawa ka na lang ng paraan para maging komportable sa isang bagay na di ka naman komportableng gawin. Halimbawa na lang, nanood yung nanay ko ng walang katapusang Be Careful with My Heart na puro kalandian na lang ng mag asawa ang nagaganap. Tapos ako, gusto ko manood kay Ryzza dahil gusto ko magchacharap. Imbes na galitin ko si mama sa pagrereklamo ko, makikisama na lang ako. Ayoko din kasing malagay sa peligro ang baon ko. Sayang naman kung mababawasan ng 50pesos ang allowance ko. Hahaha! Pambili na din yun ng mga pagkaing pamatay sa Teresa at tinapay na lasang harina pa rin sa Pureza.
Para sa akin, ang teoryang ito ay napakatotoo at walang bahid ng anumang anomalya. Kahit sino naman gagawin ito. Salamat sa pagbabasa. Sana naintindihan niyo ang gusto ko ipaliwanag at ipaintindi. Hahaha!
Source:
http://www.uky.edu/~drlane/capstone/persuasion/bal.htm
Heider, F. (1946). Attitudes and cognitive organization. Journal of Psychology, 21, 107-112.
