JellyPages.com

Wednesday, February 19, 2014

FOOD AND TRAVEL: IN SHORT, KAEN GALA

Intramuros. Ang Intramuros ay isa sa mga pamosong lugar dito sa Pilipinas. Ito ay dinarayo ng mga turista at feeling turista dahil sa mga imprastrakturang nakatayo pa noong panahon ng mga Espanyol. Bumisita ako sa Intramuros noong nakaraang linggo. Di na ako nagulat sa mga nakita ko. Para akong binalik sa nakaraan ng mga nakatayong makabago at makalumang mga gusali. Ang lakas makathrowback nitong Intramuros. May mga nakakalesa, may mga daang tipak tipak ang mga bato. Pati ang 7/11 nila ay parang itinayo noon pang panahon ng Kastila. 


Kalokalike


Idagdag mo pa tong mga guwardiya nila. Parang mga guwardiya sibil noong unang panahon. Di ko alam pero parang may lukso ng dugo akong nararamdaman sa sandaling magtabi kami ng mamang ito. Itay?! Hahaha dejoke.

Kanyon pa koya.
Naglibot libot ako sa Intramuros at nadaanan ko ang mga ibat ibang unibersidad. Sa tapat ng Mapua eh matatagpuan ang mga kanyon. Masarap tumambay at nakakamangha ang mga kanyon sa lugar na ito. Pero kung gumagana lang sana ang mga kanyon na  ito. Kinanyon ko na ang mga malalanding estudyanteng nakatambay at naglalampungan sa ibaba. Get a room bitches.

Roar.
I'm eating dough filled with ube filling with sugar inside and outside. Dejoke. Haha! Donat na may ube lang naman yan. Kung gusto mo makatipid at wala kang pera pambili ng pagkaeng di mo mabasa at maispell sa mga restaurant dito sa Intramuros, sapat na tong donat na to para mabusog ka. May variety pa, pwedeng may monggo o yung butas na donat lang. Meron din namang pahaba na donat. Pero parehas lang naman ang lasa ng butas at mahabang donat. Mapilit lang ng tindero na magkaiba ang itinitinda niya.






Kung di ka pa solve sa donat na binili mo. Meron din namang deep fried crispy fish ball dipped in spicy sauce with real siling labuyo kang mabibili. Hahaha! Sobrang sarap ng fish ball na yan. Ewan ko kung anong sikreto, siguro naging crispy na siya dahil isang linggo na siyang iniinit. Haha dejoke. Pero promise. Masarap. Walang halong joke.


So yun lang ang mga pinag gagagawa ko sa Intramuros. Nakakain ako sa halagang 20pesos. HAHAHA! Salamat sa pagbabasa, sana naaliw kayo kahit papaano.






Wednesday, January 29, 2014

BATA! BATA! BAKIT KA KAWAWA?

 
 
Larawan ng isang batang naglalaro sa isang parke sa Sta.Mesa, Manila.
Malaki ang nagagawa ng bullying lalong lalo na sa mga bata sa panahon ngayon.
 
 
 
 

Wednesday, January 22, 2014

SIGI PA PO KOYA. SAGAD MO PA PO. ARAY!


19 years old na ako at may malawak na isip. Di naman malawak. Siguro sabihin na nating may kaalaman o mulat na ko sa mga kahirapang nakikita dito sa ating bansa. Purgang purga na ko sa mga napapanood kong balita na nagtaas na naman ang lintik na ganto ganyan. Tapos pagmumukhaing tanga na naman ng mga gagong pulitiko ang mga mahirap nating mamamayang nagproprotesta na gusto lang naman marinig ang kanilang hinaing. Kasabay ng pagtaas ng mga bilihin ay siya namang mura ng bibig ng nanay ko. Napakabilis maubos ng 500 pesos sa isang araw kakabili ng mga pagkaing nagmahal at magmamahal pa. Lahat ng pangunahing pangangailangan ng tao dito sa Pilipinas ay nagtaas, na parang pagtaas ng hairline ni Pnoy.

Kwento ko lang ang isang experience ko sa isang pangunahing pangangailangan ng mga estudyanteng katulad ko, ang transportasyon;

Bagong taon, bagon pasabog ang nadatnan ko noong ako ay papasok ng eskwelahan. Bigla akong napa-shet sa nakita ko. Nagmahal ang pamasahe ng punyetang PNR ng limang piso. So ako naman ay walang magagawa kundi sumakaya pa din sa pangmasang tren na ito. Ito lang kasi ang pinakamabilis at pinakamurang transportasyon papunta sa aking eskwelahan. Medyo umaray ako sa 15pesos na naging 20pesos na pamasahe. Malaking bagay na kasi ang 10piso sa akin. Pwede na kasi ako makabili ng dalawang tinapay sa Pureza. Choco roll okaya Choco flower daw na lasang harina pa rin at di lasang choco. So nagdaan ang mga araw at nasanay na din ako sa pagtaas na ito. January 22, 2014, pumasok ako ng maaga kasi may midterm kami sa isa naming major subject. Noong una ay kalmado pa ako. Pero noong narinig ko na ang pagpaging ng PNR na nasira daw ang susundan namin tren.. wala akong nagawa kundi mapamura sa nangyayari. 7:30 ako sumakay pero halos 9:30 na ako nakadating sa eskwelahan na dapat ay mga 8:20 ay naandoon na ako.

Sang-ayon naman ako sa pagtaas ng pamasahe kung may makikita lang sana akong improvement. Kaso.. WALA! Wala po eh. Ganoon pa din naman. May mga aircon na kasing init ng utot ang inilalabas na hangin. Nasisiraan pa din ang tren (pati ang ilong ko sirang sira na sa baho)na nagsasanhi ng pagka-late ng may mga trabaho. At kung minalas malas sila ay pwede pa sila masisante at mabawasan ang sahod dahil dito.  

Sa mga pagtaas ng bilihin na kinakaharap nila Dodong at Inday, di natin sila masisisi kung umaasa na lang sila sa mga Feng Shui na pampaswerte o kung ano anong sinasabit sa pintuan para pumasok ang pera. O kaya ang manalo sa 6/55 ng lotto na mas mataas pa ata ang tyansang tamaan ka ng kidlat kaysa manalo dito.  Sa sobrang hirap ng buhay dito sa Pilipinas. Sana ang mga binabayaran naming pagtataas sa serbisyo ay magamit para sa ikauunlad nito at di sa ipanlalaman ng tiyan niyo.


Maraming Salamat po sa pagbabasa :)

Tuesday, January 7, 2014



COVER NI DODONG

I'm back on track. Sa wakas makakapasa na ulit ako. Nagmental breakdown nako sa kakaisip kung ano ang gagawin ko. Nauwi din lang pala sa ganto. Pero ayos lang. Kahit papaano naman ay may naexperience akong ganto. Sobrang mahiyaan po kasi akong tao. Salamat sa panonood. Medyo delay yung sa una. Di ako marunong magsynch. 

Friday, December 27, 2013

BALANSE NG PAG IBIG.


Ngayong gabi, 30 minutes na lang ang natitirang oras ko sa pagtatype para ma-meet ang deadline para sa pagkrikritiko ng isang teorya para sa aking blog. Galing pa kasi ako sa isang liblib na lugar sa Tarlac, kung saan probinsyang probinsya pa din ang dating dahil sa mga napakadaming palayan at talamak na pagtae ng kalabaw sa daan.

Deeeeeym. Napakashitty pa ng connection at di ko alam ang hiwaga ng blogspot at kung bakit napakatagal nitong magloading. Wala akong ibang maisip kundi ang kaisa-isang teorya na aking naisip. Hahaha! Ang Balance Theory. Ito ang isang teoryang kadalasang naaapply sa aking pang araw-araw na buhay. Ano nga ba ang teoryang ito?

Balance theory states that when tensions arise between or inside people, they attempt to reduce these tensions through self-persuasion or trying to persuade others. (Fritz Heider and Theodore Newcomb, 1946)

Sa madaling salita, kailangan mong makisama sa isang tao kung ayaw mo sa ginagawa nito dahil pinapahalagahan niyo ang relasyon niyo. Gagawa ka na lang ng paraan para maging komportable sa isang bagay na di ka naman komportableng gawin. Halimbawa na lang, nanood yung nanay ko ng walang katapusang Be Careful with My Heart na puro kalandian na lang ng mag asawa ang nagaganap. Tapos ako, gusto ko manood kay Ryzza dahil gusto ko magchacharap. Imbes na galitin ko si mama sa pagrereklamo ko, makikisama na lang ako. Ayoko din kasing malagay sa peligro ang baon ko. Sayang naman kung mababawasan ng 50pesos ang allowance ko. Hahaha! Pambili na din yun ng mga pagkaing pamatay sa Teresa at tinapay na lasang harina pa rin sa Pureza.

Para sa akin, ang teoryang ito ay napakatotoo at walang bahid ng anumang anomalya. Kahit sino naman gagawin ito. Salamat sa pagbabasa. Sana naintindihan niyo ang gusto ko ipaliwanag at ipaintindi. Hahaha!


Source:
http://www.uky.edu/~drlane/capstone/persuasion/bal.htm
Heider, F. (1946). Attitudes and cognitive organization. Journal of Psychology, 21, 107-112.


Tuesday, December 17, 2013

MGA TAONG ESTRANGHERO

Maraming bagay pa rin sa modernong panahon ngayon ang palaisipan tungkol sa mga pangyayari na hindi natin maipaliwanag at maunawaan. Katulad na lang kung bakit hugis square ang bigote ni Hitler at mukhang di na ito humaba, at kung bakit kulay dilaw ang buhok ni Hetty Spaghetti na dapat pula dahil spaghetti nga. Pero may isang teorya akong nabasa na pumukaw sa aking atensyon. Ito ang Ancient Astronaut Theory na unang sinabi ni Konstantin Eduardovich Tsiolkovsky at pinasikat din ni Erich Von Daniken noong 1970’s.

Ano nga ba ang Ancient Astronaut Theory o Paleocontact theory?

“Ancient astronauts or ancient aliens, also known as paleocontact hypothesis, is a pseudo-scientific theory that states intelligent extraterrestrial beings have visited Earth in antiquity or prehistory and made contact with humans. Proponents suggest that this contact influenced the development of human cultures, technologies, and religions.” – Trivia Mania

Pinaniniwalaan dito na noong unang panahon ay may mga bumibisitang mga extraterrestrial sa ating mundo na nakikipagsalamuha sa mga unang tao dito sa ating planeta. Malaki ang impluwensya nila sa mga unang tao noon dahil itinuro nila kung papaano mamuhay ng mas maayos. Malaki rin di umano ang impluwensya ng mga extraterrestrial sa relihiyon ng mg a unang tao noon.

“ Five thousand years ago, people turned their attention from Earth to the heavens and they began to worship a male sky-god. Who was he? Well, he might have been the civilising deity who the Sumerians called Ea, or Enki, who appears to have been known around the world under a variety of names. This being was said to have taught people agriculture, and many useful crafts, and in cultures, where there are descriptions of him, we learn that he had the appearance of a tall, white, bearded, man and that he wore a long white robe and sandals. Some people were so amazed when they saw him that they thought that he came from the Sun. In Egypt, he was known as the civilising god Osiris. The Egyptians made him the God of the Dead and he played a major role in their religion for thousands of years.” - Leonard Farra(columnist)

Kung ako ang tatanungin kung sumasang ayon ako sa teoryang ito. Oo, may posibilidad itong mangyari. Pero di ko sinasabing 100% na sigurado ito dahil isa pa lamang itong teorya. Base pa lamang sa mga Pyramid ng Egypt., mga Nazca Lines at mga religios artifacts na may kakaibang anyo ng isang tao ay maituturing mo na itong mga misteryo ng ating mundo. Papaano magagawa ng mga unang tao kung wala pa silang sapat na kagamitan at kaalaman sa pag gawa ng mga ganito kaperpektong arkitektura? Maraming lugar sa mundo na di maipaliwanag ng siyensya kung papaano ito nangyari. Ang Ancient Astronaut Theory ay isang teoryang malaki ang tyansang magkatotoo dahil makikita mo naman ang mga ebidensyang nagkalat sa buong mundo. Ang iba pa nga ay naging pamosong pasyalan na ng mga tao.

Idadagdag ko lang ang impormasyong ito.

“It also suggests that these ancient aliens mated with our ancestors and formed the what we call "Modern Humans", that also suggests that we are actually a breed of half alien life and half of a true human”


Kung pagbabasihan ko ang mukha ng katropa ko na itago na lang natin sa pangalang Jerrome Barawidan, siya ang matibay na ebidensya na tama ang impormasayong ito na tayo ay isang half alien. Siya din ang magpapatunay na totoo ngang buhay pa si Kuma Ley-ar na kalaban ni Shaider. Hahaha. Biro lang. Masyado na kasi tayong seryoso. Salamat sa pagbabasa classmates. Nasa sa inyo na din yan kung sasang ayon kayo sa teoryang ito o hindi. 


Source(s):
Trivia Mania
www.paleocontact.com



Saturday, December 7, 2013

GOODMORNING DODONG

Goodmorning!? Grabe di ko alam ang sasabihin ko dito sa blog na ito. Pero sige sasabihin ko na ang dapat sabihin. Ayaw maniwala ng nanay ko na kasama sa requirements ng assignment ang matulog ng matagal. Pero salamat kay Ma’am Krupskaya dahil ngayon nalang ulit ako nakatulog ng matagal, ngayon nalang ulit nagwaterfalls ang laway ko, ngayon nalang ulit nagkaron ng mga marka ng baon baon at nagmukha ng chessboard ang balat ko sa di ko maipaliwanag na kadahilanan at ngayon nalang ulit ako naging chinito pagkagising.

 Magflashback tayo kagabi kung saan dumaan ako sa mga pagsubok ng aking buhay bago matulog. Galing ako sa paglalaro ng basketball kagabi kaya pagod na pagod ako pagdating sa bahay. Oo, nagbasketball ako kagabi sa kapitbahay namin kahit di na namin makita masyado ang bola dahil kulay itim ito. Ang dali ko mapagod dahil kulang na ako sa ehersisyo at idagdag mo pa ang tiyan kong 100% pure cholesterol na sobrang bigat dalhin at di na ako makayuko. So pagkauwi ko ng bahay ay wala akong nadatnang pagkain. Walang nagluto! Motherfather!!! Pagkacheck ko ng ref eh walang laman at pagtingin ko ng kaldero ng kanin ay nasa hugasan na ito. So ang natitirang pag asa ay ang oatmeal na walang lasa at mabango lang pag niluto. Kadalasan kasi pag nagluluto ako ng oatmeal ay yung pangmahirap version lang. Asukal na segunda lang ang ilagay mo eh rak na. Wala kasing gatas sa bahay, walang pambili. HAHAHA! Kaya ayun pinili ko na lang matulog kagabi. Matutulog na ako kagabi habang nakapang Coco Martin (brief lang) at kasalukuyang may ginaganap na Rap Battle sa covered court ng barangay namin. Di ako makatulog dahil sa ingay ng mga punyetang nagrarap na mga wangsta at yes yes yow sa court. Sobrang lakas ng tugtog at di ako nakatulog agad. Allergic talaga ko sa mga hiphop songs kasi mas gusto ko ang mga rock at pangmaton na tugtugin.  Akala ko naman eh tapos na ang mga paghihirap ko bago makatulog, pagkahiga ko ay naalala kong may sipon pa din ako. Kailangan ko tuloy pumusisyong ng maganda para makahinga ng mabuti, pag nakatulog kasi ako na di maganda ang posisyon ko ay mahihirapan ako huminga at asahan mo na ang umuugong kong paghilik. So ang ginawa ko eh medyo tinaasan ko ang unan ko para makahinga at sa wakas, maya maya pa ay nakatulog na ako.

 Pagkagising ko ngayon ay sa wakas makakalasap nadin ako ng ginhawa. Makakakain nako. Pinapabili ako ng nanay ko ng pandesal para sa almusal. Ayoko pang bumili ng almusal dahil naka tikas pahinga pa ang alaga ko. Ito ang kadalasang sakit ng mga lalaki kapag umaga. Pagpunta nga sa CR eh para kaming sniper dahil sa sobrang layo namin sa inidoro kapag iihi. Kelangan mo pa tanchahin ang projectile ng ihi mo para shumoot sa inidoro yung ihi dahil sa sobrang lakas. Hahaha! So mamaya maya ay bibili na ko. Bye. Salamat sa pagbabasa. Hahahaha! Mwa mwa tsup tsup.