JellyPages.com

Wednesday, February 19, 2014

FOOD AND TRAVEL: IN SHORT, KAEN GALA

Intramuros. Ang Intramuros ay isa sa mga pamosong lugar dito sa Pilipinas. Ito ay dinarayo ng mga turista at feeling turista dahil sa mga imprastrakturang nakatayo pa noong panahon ng mga Espanyol. Bumisita ako sa Intramuros noong nakaraang linggo. Di na ako nagulat sa mga nakita ko. Para akong binalik sa nakaraan ng mga nakatayong makabago at makalumang mga gusali. Ang lakas makathrowback nitong Intramuros. May mga nakakalesa, may mga daang tipak tipak ang mga bato. Pati ang 7/11 nila ay parang itinayo noon pang panahon ng Kastila. 


Kalokalike


Idagdag mo pa tong mga guwardiya nila. Parang mga guwardiya sibil noong unang panahon. Di ko alam pero parang may lukso ng dugo akong nararamdaman sa sandaling magtabi kami ng mamang ito. Itay?! Hahaha dejoke.

Kanyon pa koya.
Naglibot libot ako sa Intramuros at nadaanan ko ang mga ibat ibang unibersidad. Sa tapat ng Mapua eh matatagpuan ang mga kanyon. Masarap tumambay at nakakamangha ang mga kanyon sa lugar na ito. Pero kung gumagana lang sana ang mga kanyon na  ito. Kinanyon ko na ang mga malalanding estudyanteng nakatambay at naglalampungan sa ibaba. Get a room bitches.

Roar.
I'm eating dough filled with ube filling with sugar inside and outside. Dejoke. Haha! Donat na may ube lang naman yan. Kung gusto mo makatipid at wala kang pera pambili ng pagkaeng di mo mabasa at maispell sa mga restaurant dito sa Intramuros, sapat na tong donat na to para mabusog ka. May variety pa, pwedeng may monggo o yung butas na donat lang. Meron din namang pahaba na donat. Pero parehas lang naman ang lasa ng butas at mahabang donat. Mapilit lang ng tindero na magkaiba ang itinitinda niya.






Kung di ka pa solve sa donat na binili mo. Meron din namang deep fried crispy fish ball dipped in spicy sauce with real siling labuyo kang mabibili. Hahaha! Sobrang sarap ng fish ball na yan. Ewan ko kung anong sikreto, siguro naging crispy na siya dahil isang linggo na siyang iniinit. Haha dejoke. Pero promise. Masarap. Walang halong joke.


So yun lang ang mga pinag gagagawa ko sa Intramuros. Nakakain ako sa halagang 20pesos. HAHAHA! Salamat sa pagbabasa, sana naaliw kayo kahit papaano.