JellyPages.com

Wednesday, January 29, 2014

BATA! BATA! BAKIT KA KAWAWA?

 
 
Larawan ng isang batang naglalaro sa isang parke sa Sta.Mesa, Manila.
Malaki ang nagagawa ng bullying lalong lalo na sa mga bata sa panahon ngayon.
 
 
 
 

Wednesday, January 22, 2014

SIGI PA PO KOYA. SAGAD MO PA PO. ARAY!


19 years old na ako at may malawak na isip. Di naman malawak. Siguro sabihin na nating may kaalaman o mulat na ko sa mga kahirapang nakikita dito sa ating bansa. Purgang purga na ko sa mga napapanood kong balita na nagtaas na naman ang lintik na ganto ganyan. Tapos pagmumukhaing tanga na naman ng mga gagong pulitiko ang mga mahirap nating mamamayang nagproprotesta na gusto lang naman marinig ang kanilang hinaing. Kasabay ng pagtaas ng mga bilihin ay siya namang mura ng bibig ng nanay ko. Napakabilis maubos ng 500 pesos sa isang araw kakabili ng mga pagkaing nagmahal at magmamahal pa. Lahat ng pangunahing pangangailangan ng tao dito sa Pilipinas ay nagtaas, na parang pagtaas ng hairline ni Pnoy.

Kwento ko lang ang isang experience ko sa isang pangunahing pangangailangan ng mga estudyanteng katulad ko, ang transportasyon;

Bagong taon, bagon pasabog ang nadatnan ko noong ako ay papasok ng eskwelahan. Bigla akong napa-shet sa nakita ko. Nagmahal ang pamasahe ng punyetang PNR ng limang piso. So ako naman ay walang magagawa kundi sumakaya pa din sa pangmasang tren na ito. Ito lang kasi ang pinakamabilis at pinakamurang transportasyon papunta sa aking eskwelahan. Medyo umaray ako sa 15pesos na naging 20pesos na pamasahe. Malaking bagay na kasi ang 10piso sa akin. Pwede na kasi ako makabili ng dalawang tinapay sa Pureza. Choco roll okaya Choco flower daw na lasang harina pa rin at di lasang choco. So nagdaan ang mga araw at nasanay na din ako sa pagtaas na ito. January 22, 2014, pumasok ako ng maaga kasi may midterm kami sa isa naming major subject. Noong una ay kalmado pa ako. Pero noong narinig ko na ang pagpaging ng PNR na nasira daw ang susundan namin tren.. wala akong nagawa kundi mapamura sa nangyayari. 7:30 ako sumakay pero halos 9:30 na ako nakadating sa eskwelahan na dapat ay mga 8:20 ay naandoon na ako.

Sang-ayon naman ako sa pagtaas ng pamasahe kung may makikita lang sana akong improvement. Kaso.. WALA! Wala po eh. Ganoon pa din naman. May mga aircon na kasing init ng utot ang inilalabas na hangin. Nasisiraan pa din ang tren (pati ang ilong ko sirang sira na sa baho)na nagsasanhi ng pagka-late ng may mga trabaho. At kung minalas malas sila ay pwede pa sila masisante at mabawasan ang sahod dahil dito.  

Sa mga pagtaas ng bilihin na kinakaharap nila Dodong at Inday, di natin sila masisisi kung umaasa na lang sila sa mga Feng Shui na pampaswerte o kung ano anong sinasabit sa pintuan para pumasok ang pera. O kaya ang manalo sa 6/55 ng lotto na mas mataas pa ata ang tyansang tamaan ka ng kidlat kaysa manalo dito.  Sa sobrang hirap ng buhay dito sa Pilipinas. Sana ang mga binabayaran naming pagtataas sa serbisyo ay magamit para sa ikauunlad nito at di sa ipanlalaman ng tiyan niyo.


Maraming Salamat po sa pagbabasa :)

Tuesday, January 7, 2014



COVER NI DODONG

I'm back on track. Sa wakas makakapasa na ulit ako. Nagmental breakdown nako sa kakaisip kung ano ang gagawin ko. Nauwi din lang pala sa ganto. Pero ayos lang. Kahit papaano naman ay may naexperience akong ganto. Sobrang mahiyaan po kasi akong tao. Salamat sa panonood. Medyo delay yung sa una. Di ako marunong magsynch.