19 years
old na ako at may malawak na isip. Di naman malawak. Siguro sabihin na nating
may kaalaman o mulat na ko sa mga kahirapang nakikita dito sa ating bansa.
Purgang purga na ko sa mga napapanood kong balita na nagtaas na naman ang
lintik na ganto ganyan. Tapos pagmumukhaing tanga na naman ng mga gagong
pulitiko ang mga mahirap nating mamamayang nagproprotesta na gusto lang naman
marinig ang kanilang hinaing. Kasabay ng pagtaas ng mga bilihin ay siya namang
mura ng bibig ng nanay ko. Napakabilis maubos ng 500 pesos sa isang araw
kakabili ng mga pagkaing nagmahal at magmamahal pa. Lahat ng pangunahing
pangangailangan ng tao dito sa Pilipinas ay nagtaas, na parang pagtaas ng
hairline ni Pnoy.
Kwento
ko lang ang isang experience ko sa isang pangunahing pangangailangan ng mga
estudyanteng katulad ko, ang transportasyon;
Bagong
taon, bagon pasabog ang nadatnan ko noong ako ay papasok ng eskwelahan. Bigla
akong napa-shet sa nakita ko. Nagmahal ang pamasahe ng punyetang PNR ng limang
piso. So ako naman ay walang magagawa kundi sumakaya pa din sa pangmasang tren
na ito. Ito lang kasi ang pinakamabilis at pinakamurang transportasyon papunta
sa aking eskwelahan. Medyo umaray ako sa 15pesos na naging 20pesos na pamasahe.
Malaking bagay na kasi ang 10piso sa akin. Pwede na kasi ako makabili ng
dalawang tinapay sa Pureza. Choco roll okaya Choco flower daw na lasang harina
pa rin at di lasang choco. So nagdaan ang mga araw at nasanay na din ako sa
pagtaas na ito. January 22, 2014, pumasok ako ng maaga kasi may midterm kami sa
isa naming major subject. Noong una ay kalmado pa ako. Pero noong narinig ko na
ang pagpaging ng PNR na nasira daw ang susundan namin tren.. wala akong nagawa
kundi mapamura sa nangyayari. 7:30 ako sumakay pero halos 9:30 na ako
nakadating sa eskwelahan na dapat ay mga 8:20 ay naandoon na ako.
Sang-ayon
naman ako sa pagtaas ng pamasahe kung may makikita lang sana akong improvement.
Kaso.. WALA! Wala po eh. Ganoon pa din naman. May mga aircon na kasing init ng
utot ang inilalabas na hangin. Nasisiraan pa din ang tren (pati ang ilong ko sirang sira na sa baho)na nagsasanhi ng
pagka-late ng may mga trabaho. At kung minalas malas sila ay pwede pa sila
masisante at mabawasan ang sahod dahil dito.
Sa mga
pagtaas ng bilihin na kinakaharap nila Dodong at Inday, di natin sila masisisi
kung umaasa na lang sila sa mga Feng Shui na pampaswerte o kung ano anong
sinasabit sa pintuan para pumasok ang pera. O kaya ang manalo sa 6/55 ng lotto
na mas mataas pa ata ang tyansang tamaan ka ng kidlat kaysa manalo dito. Sa sobrang hirap ng buhay dito sa Pilipinas.
Sana ang mga binabayaran naming pagtataas sa serbisyo ay magamit para sa
ikauunlad nito at di sa ipanlalaman ng tiyan niyo.
Maraming
Salamat po sa pagbabasa :)